Tuesday, April 12, 2011

Huwag raw pero hindi naman ayaw.

hinahanap kita madalas pero alam ko naman kung nasaan ka.
mejo nakakapagod lang itong walang-humpay na pagnanasa.
kahit na alam ko, isang panig lang itong tulirong pag-ibig,
hindi naman ako umaasa na ito'y masuklian.

'Di ba, ganyan naman dapat talaga?
ang pag-ibig, kahit walang hinihinging kapalit,
ay nananatiling matatag at di nagsasawa.

gusto kita kahit di ka mapapasaakin.
nais kita kahit na walang pag-asa.

ang hirap naman ng mahumaling.

No comments: